2 “Ezekiel, anak ng tao, awitan mo ng panaghoy ang Tiro. Sabihin mo sa kanya:
3 Lunsod ng Tiro, lunsod na nasa bunganga ng dagat, at nakikipagkalakalan sa mga bansa sa malalayong dako. Ito ang ipinapasabi sa iyo ni Yahweh:‘Tiro, ipinagmamalaki mo ang iyong kagandahan at sinasabing wala kang kapintasan.’
4 Ang tahanan mo ay ang karagatan.Ikaw ay ginawang tila isang magandang sasakyang-dagat.
5 Mga piling kahoy buhat sa Bundok Hermon ang tablang ginamit,at ang palo ay kahoy buhat sa Lebanon.
6 Ang mga sagwan mo ay ensina buhat pa sa Bashan.Mga tablang sedar buhat pa sa Cyprusang matibay mong kubyerta at may disenyo pang garing.
7 Hinabing lino buhat sa Egipto ang iyong layagat siya mo ring bandila;telang kulay ube na yari sa Cyprus ang bubong mo.
8 Mga taga-Sidon at Arvad ang iyong tagasagwan,ang mga tripulante'y mga dalubhasa mong tauhan.