6 Ang mga sagwan mo ay ensina buhat pa sa Bashan.Mga tablang sedar buhat pa sa Cyprusang matibay mong kubyerta at may disenyo pang garing.
7 Hinabing lino buhat sa Egipto ang iyong layagat siya mo ring bandila;telang kulay ube na yari sa Cyprus ang bubong mo.
8 Mga taga-Sidon at Arvad ang iyong tagasagwan,ang mga tripulante'y mga dalubhasa mong tauhan.
9 Ang mga karpintero mo'y sinanay pa sa Biblos.Ang nakipagkalakalan sa iyo ay mga tripulante ng iba't ibang barko.
10 “Mga taga-Persia, Lydia at Libya ang bumubuo ng iyong hukbo. Mga kalasag at helmet nila'y nakapalamuti sa iyong mga dingding.
11 Mga taga-Arvad ang nakapaligid sa iyo, at mga taga-Gamad ang nasa iyong bantayan. Ang kanilang mga kalasag at helmet ang lumulubos sa iyong kagandahan.
12 “Ang Tarsis ay nakipagkalakalan sa iyo. Ang kanyang minang pilak, bakal, lata, at tingga ay ipinagpalit niya sa mga pangunahing paninda mo.