1 Sinabi sa akin ni Yahweh,
2 “Ezekiel, anak ng tao, magpahayag ka. Sabihin mo sa kanilang ito ang ipinapasabi ko:Matinding kapighatian sa araw na iyon ang darating,
3 sapagkat malapit na ang araw, ang araw ni Yahweh.Magdidilim ang ulap sa araw na iyon, araw ng paghuhukom sa lahat ng bansa.
4 Sisiklab ang digmaan sa Egipto.Maghahari sa Etiopia ang matinding dalamhatikapag namatay na sa Egipto ang maraming tao,sasamsamin ang kayamanan ng buong bansaat iiwanan itong wasak.
5 “Sa digmaang iyon ay mapapatay ang mga upahang kawal ng Etiopia, Libya, Lydia, Arabia, Kub, at ng aking bayan.”
6 Ipinapasabi nga ni Yahweh: “Mapapahamak ang lahat ng tutulong sa Egipto. Ang ipinagmamalaki niyang lakas ay ibabagsak. Mula sa Migdal hanggang Sevene lahat ay kasama niyang pupuksain sa pamamagitan ng tabak.