1 Ako'y isinama ng lalaki sa patyo sa labas at nagtuloy kami sa gusali sa gawing hilaga ng templo at malapit sa dulo nito sa kanluran.
2 Ang haba ng gusaling ito ay limampung metro at dalawampu't limang metro naman ang luwang.
3 Ang kalahati nito ay nakaharap sa patyong sampung metro ang luwang at ang isa pang kalahati sa patyong nalalatagan ng bato. Ito ay tatlong palapag.
4 Sa hilaga ng gusali ay may isang daanang apat at limang metro ang luwang at limampung metro ang haba.
5 Ang mga silid sa pangatlong palapag ay maliit kaysa una at pangalawa dahil sa balkon nito.