2 Ang haba ng gusaling ito ay limampung metro at dalawampu't limang metro naman ang luwang.
3 Ang kalahati nito ay nakaharap sa patyong sampung metro ang luwang at ang isa pang kalahati sa patyong nalalatagan ng bato. Ito ay tatlong palapag.
4 Sa hilaga ng gusali ay may isang daanang apat at limang metro ang luwang at limampung metro ang haba.
5 Ang mga silid sa pangatlong palapag ay maliit kaysa una at pangalawa dahil sa balkon nito.
6 Ang mga silid mula sa una hanggang ikatlong palapag ay walang haligi, di tulad ng ibang gusali sa patyo sa labas.
7-8 Ang pader sa ibaba ay may luwang na dalawampu't limang metro, kalahati ng kabuuang haba; sa natitirang dalawampu't limang metro ay may mga silid. Sa itaas na palapag ay nakahanay ang mga kuwarto mula puno hanggang dulo.
9-10 Sa silangang dulo ng gusali sa ilalim ng mga silid na ito ay may mga pinto palabas sa patyo.Sa gawing timog ng templo ay may isa pang gusali, hindi kalayuan sa kanlurang dulo ng templo.