14 Sinabi ni Samson,“Mula sa kumakain ay lumabas ang pagkain;at mula sa malakas, matamis ay lumabas.”Tatlong araw na ang nakararaa'y hindi pa nila ito mahulaan.
15 Nang ikaapat na araw, sinabi nila sa asawa ni Samson, “Suyuin mo ang iyong asawa para malaman namin ang sagot sa bugtong niya. Kung hindi, susunugin ka namin at ang iyong pamilya. Inanyayahan ba ninyo kami para mamulubi?”
16 Kaya, lumapit ang babae kay Samson at lumuluhang sinabi, “Hindi mo ako mahal. Nagpapahula ka ng bugtong sa aking mga kaibigan ngunit hindi mo sinasabi sa akin ang sagot.”Sumagot si Samson, “Kung sa aking mga magulang ay hindi ko ito ipinaalam, sa iyo pa?”
17 Ang babae'y patuloy sa pag-iyak at panunuyo kay Samson sa loob ng pitong araw nilang handaan. Kaya, nang ikapitong araw, sinabi rin niya ang sagot sa bugtong dahil sa kakulitan nito. Ang sinabi ni Samson ay sinabi naman nito sa kanyang mga kaibigan.
18 At bago dumilim nang ikapitong araw, ang mga taga-Timna ay nagpunta kay Samson at kanilang sinabi,“May tatamis pa ba sa pulot-pukyutan?At may lalakas pa ba sa leon?”Sinabi sa kanila ni Samson,“Kung ang aking asawa'y di ninyo tinakot,hindi sana nalaman ang tamang sagot.”
19 At si Samson ay pinalakas ng Espiritu ni Yahweh. Nagpunta siya sa Ashkelon at pumatay ng tatlumpung kalalakihan. Kinuha niya ang magagarang kasuotan ng mga ito at ibinigay sa mga nakasagot sa kanyang bugtong. Pagkatapos, umuwi siyang galit na galit dahil sa nangyari.
20 At ang asawa naman niya'y ibinigay sa pangunahing abay na lalaki.