42 at nagtangkang tumakas patungong kaparangan. Ngunit pinalibutan sila ng mga Israelita,
43 at hindi nilubayan ng pagtugis hanggang sa silangan ng Gibea.
44 Ang napatay sa mga pinakamagagaling na kawal Benjaminita ay umabot sa 18,000.
45 Ang iba'y nakatakas papuntang ilang, sa Batong Malaki ng Rimon. Ang napatay sa daan ay 5,000. Patuloy silang hinabol ng mga Israelita at nakapatay pa ng 2,000.
46 Lahat-lahat ng napatay na Benjaminita ng araw na iyon ay 25,000, na pawang mga matatapang na mandirigma.
47 Ang nakatakas sa Batong Malaki ng Rimon ay 600, at ang mga ito'y nanatili roon nang apat na buwan.
48 Binalikan ng mga Israelita ang iba pang Benjaminita at pinatay lahat, pati mga hayop. Pagkatapos, sinunog nila ang lahat ng bayang sakop ng Benjamin.