6 Iniuwi ko ang kanyang bangkay, pinagputul-putol at ipinadala sa bawat lipi ng Israel. Napakasama at karumal-dumal ang ginawa nilang ito sa atin.
7 Kayong lahat ng naririto ay mga Israelita. Ano ngayon ang dapat nating gawin?”
8 Sabay-sabay silang tumayo at kanilang sinabi, “Isa man sa amin ay hindi muna uuwi sa sariling bahay o tolda.
9 Ito ang gagawin natin: magpapalabunutan tayo kung sino ang unang sasalakay sa Gibea.
10 Ang ikasampung bahagi ng bilang ng ating kalalakihan ang mamamahala sa pagkain ng hukbo. Ang natitira naman ang magpaparusa sa Gibea dahil sa kawalanghiyaang ginawa nila sa Israel.”
11 Kaya, ang mga kalalakihan ng Israel ay nagkaisang salakayin ang Gibea.
12 Ang mga Israelita'y nagpadala ng mga sugo sa lahat ng lugar na sakop ng Benjamin at kanilang ipinasabi, “Napakasama nitong ginawa ninyo sa amin.