1 Nang araw na iyon, ang awit na ito'y inawit ni Debora at ni Barak na anak ni Abinoam:
2 “Purihin si Yahweh!Ang mga Israelita'y buong giting na lumaban;nagkusang-loob ang taong-bayan.
3 “Mga pinuno at mga hari, inyong dinggin,ako'y aawit kay Yahweh, sa Diyos ng Israel!
4 “Nang sa bundok ng Seir, Yahweh, ikaw ay lumisan,at nang ang lupain ng Edom ay iyong iniwan,nayanig ang lupa at bumuhos ang ulan,tubig ng mga ulap sa kalangitan.
5 Nayanig ang mga bundok sa harapan ni Yahweh, na nasa Zion,sa harapan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
6 “Nang panahon ni Shamgar, anak ni Anat,gayundin naman nang panahon ni Jael,ang mga manlalakbay ay lumilihis sa daan,tumigil ang mga tao sa pangangalakal.