11 Sabay sa himig ng mga pastol sa tabing balonkung saan sinasaysay ang tagumpay ni Yahweh,mga tagumpay ng Israel sa kanyang mga nayon.Sa pintuan ng lunsod pumasok sila roon.
12 “Gumising ka, Debora, at ikaw ay tumayo!Gumising ka't bumangon, umawit ng isang himig.Barak, anak ni Abinoam,kumilos ka't dalhin mong bihag ang mga kalaban.
13 Kumilos na ang mga dakila ng bayan;alang-alang kay Yahweh malakas man ay lalabanan!
14 Sumalakay sa libis ang hukbo ni Efraim,kasunod sa paglusob ang lipi ni Benjamin.Mga pinuno ng Maquir sa digmaa'y dumating,gayundin ang mga pinuno na sa Zebulun nanggaling.
15 Ang mga pinuno ng Isacar sumama kay Debora,gayundin kay Barak na tagapanguna,at hanggang sa libis sumunod sa kanya.Ngunit ang lipi ni Ruben ay di makapagpasya,di nila malaman kung sila ay sasama.
16 Bakit ayaw ninyong iwan ang pastulan?Hindi n'yo ba maiwan ang inyong mga kawan?Ang lipi nga ni Ruben, sa pagpapasya'y nahirapan.
17 Ang Gilead ay nanatili sa silangan ng Jordan,ang mga barko'y hindi iniwan ng lipi ni Dan.Ang lipi ni Asher, sa tabing-dagat nagpaiwan,sila'y nanatili sa mga daungan.