15 Ang mga pinuno ng Isacar sumama kay Debora,gayundin kay Barak na tagapanguna,at hanggang sa libis sumunod sa kanya.Ngunit ang lipi ni Ruben ay di makapagpasya,di nila malaman kung sila ay sasama.
16 Bakit ayaw ninyong iwan ang pastulan?Hindi n'yo ba maiwan ang inyong mga kawan?Ang lipi nga ni Ruben, sa pagpapasya'y nahirapan.
17 Ang Gilead ay nanatili sa silangan ng Jordan,ang mga barko'y hindi iniwan ng lipi ni Dan.Ang lipi ni Asher, sa tabing-dagat nagpaiwan,sila'y nanatili sa mga daungan.
18 Itinaya ng Zebulun ang kanyang buhay,gayundin ang Neftali na humarap sa digmaan.
19 “Ang mga hari'y dumating doon sa labanan,silang mga hari ng lupang Canaan,sa mga batis ng Megido doon sa Taanac,ngunit wala silang nasamsam na pilak.
20 Pati mga bituin ay nakipaglaban,nilabanan si Sisera buhat sa kalangitan.
21 At sa kanilang pagtawid sa ilog ng Kison,tinangay sila ng agos, nilamon ng mga alon.Gayunman kaluluwa ko, tumatag ka't magpatuloy!