19 “Ang mga hari'y dumating doon sa labanan,silang mga hari ng lupang Canaan,sa mga batis ng Megido doon sa Taanac,ngunit wala silang nasamsam na pilak.
20 Pati mga bituin ay nakipaglaban,nilabanan si Sisera buhat sa kalangitan.
21 At sa kanilang pagtawid sa ilog ng Kison,tinangay sila ng agos, nilamon ng mga alon.Gayunman kaluluwa ko, tumatag ka't magpatuloy!
22 Sa bilis ng takbo ang yabag ay walang humpay,kabayong matutulin sila ang nakasakay.
23 “Sumpain ang Meroz,” sabi ng anghel ni Yahweh.“Sumpain nang labis ang naninirahan doon,sapagkat hindi sila humarap at tumulong sa labanan,nang digmain ni Yahweh ang mga kalaban.
24 “Higit ngang pinagpala ang babaing si Jael,ang asawa ng Cineong si Heber,sa lahat ng babaing nakatira sa mga tolda, higit na pagpapala nakalaan sa kanya.
25 Si Sisera'y humingi ng tubig na inumin, ngunit gatas ang ibinigay ni Jael;malinamnam na gatas sa sisidlang mamahalin.