22 Sa bilis ng takbo ang yabag ay walang humpay,kabayong matutulin sila ang nakasakay.
23 “Sumpain ang Meroz,” sabi ng anghel ni Yahweh.“Sumpain nang labis ang naninirahan doon,sapagkat hindi sila humarap at tumulong sa labanan,nang digmain ni Yahweh ang mga kalaban.
24 “Higit ngang pinagpala ang babaing si Jael,ang asawa ng Cineong si Heber,sa lahat ng babaing nakatira sa mga tolda, higit na pagpapala nakalaan sa kanya.
25 Si Sisera'y humingi ng tubig na inumin, ngunit gatas ang ibinigay ni Jael;malinamnam na gatas sa sisidlang mamahalin.
26 At habang ang tulos ng tolda'y hawak ng kaliwang kamay,sa kanan nama'y hawak ang maso ng panday,ibaon ang tulos sa sentido ni Sisera,nabasag at nadurog ang ulo niya.
27 Sa paanan ni Jael, si Sisera'y nahandusay,sa kanyang paana'y bumagsak at namatay.
28 “Itong ina ni Sisera ay naroon sa bintana,naiinip, hindi mapakali, nagtatanong na may luha,‘Bakit kaya hanggang ngayon ang anak ko'y wala pa,kabayo at karwahe niya'y masyadong naaantala?’