28 “Itong ina ni Sisera ay naroon sa bintana,naiinip, hindi mapakali, nagtatanong na may luha,‘Bakit kaya hanggang ngayon ang anak ko'y wala pa,kabayo at karwahe niya'y masyadong naaantala?’
29 Mga babaing tagapayo ay tumugon sa kanya;at sa kanyang tanong ito rin ang sagot niya:
30 ‘Nagtatagal marahil siya sa paghanap ng samsam nila,para sa isang kawal, isang babae o dalawa,mamahaling kasuotan para sa kanyang ina,at magarang damit naman para sa kanya.’
31 “Ganyan nawa malipol ang iyong mga kalaban, O Yahweh,maging tulad naman ng sumisikat na araw ang iyong mga kaibigan.”At nagkaroon ng kapayapaan sa lupain sa loob ng apatnapung taon.