7 Noo'y iniwan na ang mga nayon sa Israel,ngunit nang dumating ka, Debora,sa Israel ika'y naging isang ina.
8 Pumipili sila ng mga bagong diyus-diyosan,kaya't ang digmaa'y nasa mga pintuang-bayan.Sa apatnapung libong Israel na lumaban,mayroon bang nagdala ng sibat at kalasag man lang?
9 Ang pagmamalasakit ng puso ko'y sa mga pinunong Israelita,na kusang nag-alay ng sariling buhay nila.Purihin si Yahweh!
10 “Umawit kayo habang sakay ng mapuputing asno,habang maiinam na latag ang inuupuan ninyoat kayong mga naglalakad saanman patungo.
11 Sabay sa himig ng mga pastol sa tabing balonkung saan sinasaysay ang tagumpay ni Yahweh,mga tagumpay ng Israel sa kanyang mga nayon.Sa pintuan ng lunsod pumasok sila roon.
12 “Gumising ka, Debora, at ikaw ay tumayo!Gumising ka't bumangon, umawit ng isang himig.Barak, anak ni Abinoam,kumilos ka't dalhin mong bihag ang mga kalaban.
13 Kumilos na ang mga dakila ng bayan;alang-alang kay Yahweh malakas man ay lalabanan!