47 Nalaman ito ni Abimelec,
48 kaya't isinama niya sa Bundok Zalmon ang kanyang mga tauhan. Pagdating doon, pumutol siya ng mga sanga ng kahoy at pinasan. Lahat ng tauhan niya'y pinakuha rin niya ng mga sanga ng kahoy.
49 Nagkanya-kanya sila ng pasan at sumunod kay Abimelec. Ang mga ito'y itinambak nila sa ibaba ng tore at sinunog. Namatay lahat ang nasa loob nitong may sanlibong katao, pati mga babae.
50 Pagkatapos, sina Abimelec ay nagtuloy sa Tebez at sinakop iyon.
51 May matibay na tore doon na pinagtataguan ng mga taga-Tebez. Nang makapasok na ang lahat, sinarhan nila ang daan at sila'y umakyat hanggang sa tuktok ng tore.
52 Sinundan sila ni Abimelec at susunugin na sana ang tore,
53 ngunit siya'y binagsakan ng malaking bato ng isang babaing naroon at nabasag ang kanyang bungo.