10 Sinamsam ng mga kaaway ang lahat niyang kayamanan;ang mga di-dapat pumasok na mga taga-ibang bayan,ang banal na Templo'y kanilang nilapastangan.
11 Dumaraing ang lahat ng kanyang mamamayan sa paghahanap ng pagkain;ipinagpapalit nila ng pagkain ang kanilang mga kayamanan para lamang mabuhay.“Yahweh, masdan po ninyo kami. Mahabag ka sa aming kalagayan!”
12 “Wala ba kayong pakialam, mga nagdaraan?Hirap na ganito'y inyo na bang naranasan?Ito'y parusa ni Yahweh dahil sa kanyang matinding poot.
13 “Nagpababa siya ng apoy mula sa itaas; nanuot ito sa aking mga buto;sa nilagay na bitag, doon ako'y nahulog,isang matinding hirap sa aki'y pinalasap.
14 “Inipon niya ang lahat kong pagkakasala at ito'y ipinapasan sa akin;dahil sa bigat nito'y unti-unting nauubos ang aking lakas.Ako'y ibinigay ni Yahweh sa aking mga kalaban at aking sarili'y hindi ko man lang matulungan.
15 “Tinawanan lang ni Yahweh ang magigiting kong kawal.Nagpadala siya ng isang hukbo upang lipulin ang mga kabataang lalaki.Dinurog niya ang buong bayan, parang ubas sa pisaan.
16 “Dahil dito, hindi mapigil ang pagdaloy ng aking luha,walang makaaliw sa akin ni makapagpalakas ng aking loob.Nagtagumpay ang aking kalaban, kawawang mga anak, iniwan silang wasak.