16 “Dahil dito, hindi mapigil ang pagdaloy ng aking luha,walang makaaliw sa akin ni makapagpalakas ng aking loob.Nagtagumpay ang aking kalaban, kawawang mga anak, iniwan silang wasak.
17 “Ako'y nagpasaklolo ngunit walang tumulong sa akin,inatasan ni Yahweh ang mga karatig-bansa upang ako'y gawing isang kawawa,kaya ako'y nagmistulang maruming basahan.
18 “Nasa panig ng katuwiran si Yahweh, ako ang naghimagsik laban sa kanyang salita;ngunit makinig kayo, mga bansa, at tingnan ninyo ang aking paghihirap;binihag ang aking kadalagahan at kabinataan.
19 “Tinawag ko ang aking mga kakampi ngunit hindi nila ako tinulungan;namatay ang aking mga pari at mga pinuno ng lunsod,sa paghahanap ng pagkaing magpapanumbalik ng kanilang lakas.
20 “Masdan mo ako, O Yahweh, sapagkat labis akong nababagabag.Naliligalig ang aking kaluluwa, ako'y lubhang naguguluhan, sapagkat naging mapaghimagsik ako.Kabi-kabila ang patayan, sa loob at labas ng kabahayan.
21 “Pakinggan mo ang aking daing; walang umaaliw sa akin.Natuwa pa nga ang mga kaaway ko sa ginawa mo sa akin.Madaliin mo ang araw na iyong ipinangako, na sila'y magiging gaya ko rin.
22 “Hatulan mo sila sa kanilang kasamaan; pahirapan mo sila,tulad ng pagpapahirap mo sa akin dahil sa aking mga pagsalangsang;napapahimutok ako sa tindi ng hirap at para akong kandilang nauupos.”