7 Ngayong ang mga taga-Jerusalem ay nasa panahon ng pagdadalamhati at paggala, nagugunita nila ang maliligayang araw na nagdaan.Nang mahulog sila sa kamay ng kaaway ay walang sinumang sa kanila'y umalalay;nang sila'y bumagsak, sila'y kinutya ng mga sumakop sa kanila.
8 Mabigat ang nagawang kasalanan ng Jerusalem, kaya't siya'y naging katatawanan; itinatakwil na siya ng mga pumupuri noon sa kanya.Sa matinding kahihiyan mukha'y tinakpan,sa isang sulok nanaghoy na lamang.
9 Ang kanyang karumhan ay di maikakaila,malagim ang kanyang pagbagsak at wala man lamang umaliw sa kanya.Nagtagumpay ang kanyang mga kaaway at siya'y dumulog kay Yahweh.
10 Sinamsam ng mga kaaway ang lahat niyang kayamanan;ang mga di-dapat pumasok na mga taga-ibang bayan,ang banal na Templo'y kanilang nilapastangan.
11 Dumaraing ang lahat ng kanyang mamamayan sa paghahanap ng pagkain;ipinagpapalit nila ng pagkain ang kanilang mga kayamanan para lamang mabuhay.“Yahweh, masdan po ninyo kami. Mahabag ka sa aming kalagayan!”
12 “Wala ba kayong pakialam, mga nagdaraan?Hirap na ganito'y inyo na bang naranasan?Ito'y parusa ni Yahweh dahil sa kanyang matinding poot.
13 “Nagpababa siya ng apoy mula sa itaas; nanuot ito sa aking mga buto;sa nilagay na bitag, doon ako'y nahulog,isang matinding hirap sa aki'y pinalasap.