10 Tahimik na nakalugmok sa lupaang pinuno ng Jerusalem;naglagay sila ng abo sa ulo at nakasuot ng damit-panluksa.Ang mga dalaga sa Jerusalem ay nakaluhod, ang mukha'y halos sayad sa lupa.
11 Namumugto ang mga mata ko sa kaiiyak. Bagbag na bagbag ang aking kalooban.Matindi ang pagdadalamhati ko dahil sa kapahamakang sinapit ng aking bayan;nakahandusay sa mga lansangan ang mga bata at ang mga sanggol.
12 Nag-iiyakan sila at patuloy na humihingi ng pagkain at inumin.Nanlulupaypay sila na parang mga sugatan sa mga lansangan.Unti-unting nangangapos ang mga hininga sa kandungan ng kanilang mga ina.
13 Ano ang masasabi ko sa iyo, O Jerusalem, Jerusalem, lunsod na pinakamamahal ko?Saan kita maitutulad upang ika'y aking maaliw?Sapagkat sinlawak ng dagat ang iyong kasiraan; tila wala nang pag-asa.
14 Ang sinasabi ng inyong mga propeta ay pawang kasinungalingan.Dinadaya nila kayo sa hindi nila paglalantad ng inyong kasamaan.Pinapaniwala nila kayo na hindi na ninyo kailangang magsisi sa inyong mga kasalanan.
15 O lunsod ng Jerusalem,hinahamak ka't pinagtatawanan ng lahat ng nagdaraan.Sinasabi nila, “Ito ba ang lunsod na huwaran ng kagandahan? Ito ba ang kagalakan ng lahat ng bansa?”
16 Iniismiran ka ng iyong mga kaaway at kanilang sinasabi,“Nawasak na rin natin siya!Sa wakas bumagsak din siya sa ating mga kamay.”