6 Isinadlak niya ako sa kadiliman, laging nasa bingit ng kamatayan.
7 Ginapos niya ako para hindi makatakas, pinalibutan ako ng pader na mataas.
8 Nanambitan man ako at humingi ng tulong, hindi niya dininig ang aking dalangin.
9 Susuray-suray ako sa tindi ng hirap, at kahit saan ako bumalingay may pader na nakaharang.
10 Siya'y parang osong nag-aabang sa akin; at parang leong nag-aantay.
11 Hinabol niya ako saka niluray; at iniwang nakahandusay.
12 Iniakma niya ang kanyang pana, at ako ang ginawang tudlaan.