2 Ang mga ipinagmamalaking kabinataan ng Jerusalem ay kasinghalaga ng lantay na ginto,ngunit ngayon ay para na lamang putik na hinugisan ng magpapalayok.
3 Kahit mga asong-gubat ay nagpapasuso ng kanilang mga tuta,subalit ang aking bayan ay naging malupit, gaya ng mga ostrits sa kanilang mga inakay.
4 Namamatay sa gutom ang mga batang pasusuhin;namamalimos ang mga bata, ngunit walang magbigay ng pagkain.
5 Ang mga taong dati'y sagana sa pagkain dahil sa gutom ay namatay na rin.Ang dating mayayaman ay naghahalungkat, umaasang sa basurahan ay may mabubulatlat.
6 Ang pagpaparusa sa aking bayan ay higit pa sa sinapit ng Sodomana sa isang kisap-mata'y winasak ng Diyos.
7 Dati, ang aming mga pinuno ay matuwid at sindalisay ng yelo;sila'y matipuno, malakas at malusog.
8 Ngayo'y mukha nila'y sing-itim ng alkitran, kanilang mga bangkay sa Jerusalem ay naghambalang.Nangulubot na ang kanilang balat, parang kahoy na natuyo ang kanilang mga buto.