13 Ang mga kabataang lalaki'y pinagtatrabahong parang alipin;nakukuba sa bigat ng pasan nilang kahoy ang mga batang lalaki.
14 Ayaw nang magpulong ang matatanda ng bayan,ayaw nang tumugtog ng mga kabataan.
15 Naparam ang kagalakan sa aming puso;ang aming pagsasaya ay naging pagluluksa.
16 Walang natira sa aming ipinagmamalaki;“tayo'y nagkasala kaya tayo'y nagdurusa!”
17 Nanlupaypay kami,at nagdilim ang aming paningin,
18 pagkat iniwan ng tao ang Bundok ng Zion,mga asong-gubat na lang ang naninirahan doon.
19 Ngunit ikaw, O Yahweh, ang hari magpakailanman,ang iyong luklukan ay walang katapusan.