19 Ngunit ikaw, O Yahweh, ang hari magpakailanman,ang iyong luklukan ay walang katapusan.
20 Kay tagal mo kaming pinabayaan.Kailan mo kami aalalahaning muli?
21 Ibalik mo kami, O Yahweh,sa dati naming kaugnayan sa iyo!
22 Talaga bang itinakwil mo na kami?Sukdulan na bang talaga ang galit mo sa amin?