12 “Sa panahong iyon ay gagamit ako ng ilawanupang halughugin ang Jerusalem.Paparusahan ko ang mga taong labis na nagtitiwala sa sariliat nagsasabing,‘Si Yahweh ay walang gagawin para sa ating ikabubuti o ikasasamâ.’
13 Sasamsamin ang kanilang kayamanan,at sisirain ang kanilang mga bahay.Magtatayo sila ng mga bahay ngunit hindi nila matitirhan;magtatanim sila ng mga ubas ngunit hindi sila makakatikim ng alak nito.”
14 Malapit na ang dakilang araw ni Yahweh,at ito'y mabilis na dumarating.Kapaitan ang dulot ng araw na iyon;maging ang matatapang ay iiyak nang malakas.
15 Iyon ay araw ng poot, ligalig at dalamhati,araw ng pagkasira at pagkawasak,araw ng kadiliman at kalungkutan,araw ng maitim at makakapal na ulap.
16 Araw ng pagtunog ng trumpeta at ng sigawan ng mga sumasalakaysa mga napapaderang lunsod at nagtataasang tore.
17 Padadalhan ko ng matinding kalungkutan ang mga tao;lalakad sila na parang bulag,sapagkat nagkasala sila laban kay Yahweh.Mabubuhos na parang tubig ang kanilang dugo,at mangangalat ang kanilang bangkay na parang basura.
18 Hindi sila maililigtas ng kanilang pilak o gintosa araw ng poot ni Yahweh.Matutupok sa apoy ng kanyang mapanibughuing pootang buong daigdig,sapagkat bigla niyang wawasakinang lahat ng naninirahan sa lupa.