9 Paparusahan ko rin ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan,gayundin ang mga nagnanakaw at pumapatayupang may mailagay lamang sa bahay ng kanilang panginoon.”
10 Sinabi rin ni Yahweh, “Sa araw na iyon,maririnig ang malakas na pagtangis ng mga tao sa pintuang tinatawag na Isda,mga panaghoy mula sa bagong bahagi ng lunsod,at malalakas na ingay dahil sa pagguho ng mga gusali sa mga burol.
11 Tumangis kayo, mga naninirahan sa mababang lugar ng lunsod!Patay nang lahat ang mga mangangalakal;ang mga nagtitimbang ng pilak ay wala na.
12 “Sa panahong iyon ay gagamit ako ng ilawanupang halughugin ang Jerusalem.Paparusahan ko ang mga taong labis na nagtitiwala sa sariliat nagsasabing,‘Si Yahweh ay walang gagawin para sa ating ikabubuti o ikasasamâ.’
13 Sasamsamin ang kanilang kayamanan,at sisirain ang kanilang mga bahay.Magtatayo sila ng mga bahay ngunit hindi nila matitirhan;magtatanim sila ng mga ubas ngunit hindi sila makakatikim ng alak nito.”
14 Malapit na ang dakilang araw ni Yahweh,at ito'y mabilis na dumarating.Kapaitan ang dulot ng araw na iyon;maging ang matatapang ay iiyak nang malakas.
15 Iyon ay araw ng poot, ligalig at dalamhati,araw ng pagkasira at pagkawasak,araw ng kadiliman at kalungkutan,araw ng maitim at makakapal na ulap.