1 Magtipun-tipon kayo at magpulong,bansang walang-hiya!
2 Bago kayo ipadpad na gaya ng ipang tinatangay ng hangin,bago ninyo lasapin ang matinding galit ni Yahweh,bago dumating sa inyo ang araw ng kanyang poot.
3 Manumbalik kayo kay Yahweh, kayong mapagpakumbabá,kayong sumusunod sa kanyang kautusan.Gawin ninyo ang tama at kayo'y magpakumbabá kay Yahweh,baka sakaling kayo'y makaligtassa parusa sa araw na iyon!
4 Walang matitira sa lunsod ng Gaza,at walang matitira sa lunsod ng Ashkelon.Ang mga taga-Asdod ay palalayasin sa katanghaliang-tapat,at itataboy ang mga taga-Ekron.
5 Kahabag-habag kayong naninirahan sa mga baybay-dagat,kahabag-habag kayo, mga Queretita!Ang salita ni Yahweh ay laban sa iyo,O taga-Canaan, lupain ng mga Filisteo;lilipulin kong lahat ang inyong mga mamamayan.
6 At ang baybay-dagat ay magiging pastulan,tahanan ng mga pastol at silungan ng mga kawan.