6 At ang baybay-dagat ay magiging pastulan,tahanan ng mga pastol at silungan ng mga kawan.
7 Ang baybay-dagat ay titirhanng mga hindi namatay sa lahi ni Juda;doon sila magpapastol,at pagsapit ng gabi, sila'y matutulog sa mga bahay sa Ashkelon.Sapagkat makakasama nila si Yahweh na kanilang Diyosat ibabalik ang kanilang mga kayamanan.
8 “Narinig ko ang pangungutya ng Moab,at ang paghamak ng mga Ammonita;iniinsulto nila ang aking bayanat ipinagmamalaking sasakupin ang kanilang lupain.”
9 Kaya nga't sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat,ang Diyos ng Israel,“Isinusumpa kong mawawasak ang Moab tulad ng Sodoma,at ang Ammon, tulad ng Gomorra.Ang lupain nila'y mapupuno ng dawag,at hindi na ito mapapakinabangan kailanman.Sasamsaman sila ng mga nakaligtas sa aking bayan,at aangkinin ang kanilang lupain.”
10 Ito ang parusa sa kanilang kapalaluan,at sa paghamak nila sa bayan ni Yahweh.
11 Sisindakin sila ni Yahweh.Pawawalang-kabuluhan niya ang mga diyus-diyosan ng sanlibutan;at siya ang sasambahin ng lahat ng bansa,sa kani-kanilang lupain.
12 Kayong mga taga-Etiopiaay mamamatay rin sa digmaan.