1 Mapapahamak ang mapaghimagsik na lunsod ng Jerusalem,punung-puno ng mga makasalanan at ng mga pinunong mapang-api.
2 Hindi ito sumusunod kay Yahwehat ayaw tumanggap ng kanyang pagtutuwid.Wala itong tiwala sa kanya,at ayaw nitong lumapit sa Diyos upang humingi ng tulong.
3 Ang kanyang mga pinuno ay parang mga leong umuungal;ang mga hukom nama'y parang mga asong-gubat sa gabi,na sa pagsapit ng umaga'y walang itinitira kahit na buto.
4 Ang kanyang mga propeta ay di mapagkakatiwalaan at mapanganib;ang kanyang mga pari ay lapastangan sa mga bagay na sagrado;at binabaluktot ang kautusan para sa kanilang kapakinabangan.
5 Ngunit nasa lunsod pa rin si Yahweh;doo'y pawang tama ang kanyang ginawaat kailanma'y hindi siya nagkakamali.Araw-araw ay walang tigil niyang ipinapakitaang kanyang katarungan sa kanyang bayan,ngunit hindi pa rin nahihiya ang masasama sa paggawa ng kasalanan.