10 Mula sa kabilang panig ng mga ilog ng Etiopia,ang aking nangalat na bayan,ay sasamba sa akin at magdadala ng kanilang handog.
11 “Sa araw na iyon ay hindi na kayo mapapahiyasa ginawa ninyong paghihimagsik sa akin,sapagkat aalisin ko ang mga mapagmataas,at hindi na kayo maghihimagsik sa aking banal na bundok.
12 Iiwan ko roonang mga taong mapagpakumbabá;lalapit sila sa akin upang magpatulong.
13 Hindi na gagawa ng kasamaan ang mga nakaligtas sa Israel;hindi na sila magsisinungaling ni mandaraya man.Uunlad ang kanilang buhay at magiging panatag;wala na silang katatakutan.”
14 Umawit ka nang malakas, Lunsod ng Zion! Sumigaw ka, Israel!Magalak ka ng buong puso, Lunsod ng Jerusalem!
15 Ang iyong kaparusahan ay inalis na ni Yahweh,at pinalayas na niya ang iyong mga kaaway.Nasa kalagitnaan mo si Yahweh, ang Hari ng Israel,wala nang kasawiang dapat pang katakutan.
16 Sa araw na iyon ay sasabihin sa Jerusalem,“Huwag kang matakot, Zion;huwag kang panghinaan ng loob.