5 Ngunit nasa lunsod pa rin si Yahweh;doo'y pawang tama ang kanyang ginawaat kailanma'y hindi siya nagkakamali.Araw-araw ay walang tigil niyang ipinapakitaang kanyang katarungan sa kanyang bayan,ngunit hindi pa rin nahihiya ang masasama sa paggawa ng kasalanan.
6 “Nilipol ko na ang mga bansa;winasak ko na ang kanilang mga tore at kuta.Sinira ko na ang kanilang mga lansangan,kaya't wala ni isa mang doo'y dumaraan.Giba na ang mga lunsod nila,wala nang naninirahan doon,” sabi ni Yahweh.
7 Kaya't nasabi ko, “Tiyak na matatakot na siya sa akin,tatanggap na siya ng aking pagtutuwid.Hindi na niya ipagwawalang-bahala ang mga paalala ko.Ngunit lalo pa siyang nasabik gumawa ng masama.”
8 “Kaya't hintayin ninyo ako,” sabi ni Yahweh,“hintayin ninyo ang araw ng aking pag-uusig.Sapagkat ipinasya kong tipunin,ang mga bansa at ang mga kaharian,upang idarang sila sa init ng aking galit,sa tindi ng aking poot;at ang buong lupa ay matutupok sa apoy ng aking poot.
9 “Oo, sa panahong iyon ay babaguhin ko ang pananalita ng mga tao,at bibigyan ko sila ng dilang malinis,upang sa kay Yahweh lamang manalangin at sumambaat buong pagkakaisang maglingkod sa kanya.
10 Mula sa kabilang panig ng mga ilog ng Etiopia,ang aking nangalat na bayan,ay sasamba sa akin at magdadala ng kanilang handog.
11 “Sa araw na iyon ay hindi na kayo mapapahiyasa ginawa ninyong paghihimagsik sa akin,sapagkat aalisin ko ang mga mapagmataas,at hindi na kayo maghihimagsik sa aking banal na bundok.