18 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Sinoman sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga ibang bayan sa Israel, na maghahandog ng kaniyang alay, maging anomang panata nila, o maging anomang kusang handog nila, na kanilang inihahandog sa Panginoon na pinakahandog na susunugin;
19 Upang kayo'y tanggapin, ang inyong ihahandog ay lalaking hayop na walang kapintasan, sa mga baka, sa mga tupa, o sa mga kambing.
20 Datapuwa't alin mang may kapintasan, ay huwag ninyong ihahandog; sapagka't hindi tatanggapin sa inyo.
21 At sinomang maghandog sa Panginoon ng haing handog tungkol sa kapayapaan, sa pagtupad ng isang panata o kaya'y kusang handog, na mula sa bakahan o sa kawan ay kinakailangang sakdal, upang tanggapin; anomang kapintasan ay huwag magkakaroon.
22 Bulag, o may bali, o may hiwa, o may sugat, o galisin, o malangib, ay huwag ninyong ihahandog ang mga ito sa Panginoon, ni huwag kayong maghahandog sa Panginoon ng mga iyan na pinaraan sa apoy sa ibabaw ng dambana.
23 Maging toro o tupa na may anomang kuntil o kulang sa kaniyang sangkap ng katawan, ay maihahandog mo na handog mo na kusa, datapuwa't sa panata ay hindi tatanggapin.
24 Yaong niluluslusan, o napisa, o nabasag, o naputol ay huwag ninyong ihahandog sa Panginoon; ni huwag kayong gagawa ng ganyan sa inyong lupain.