2 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kapag nananalangin kayo, ganito ang sabihin ninyo:‘Ama, sambahin nawa kayo ng mga tao.Nawaʼy magsimula na ang inyong paghahari.
3 Bigyan nʼyo po kami ng makakain sa araw-araw.
4 At patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan,dahil pinapatawad din namin ang mga nagkakasala sa amin.At huwag nʼyo kaming hayaang matukso.’ ”
5 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Halimbawa, pumunta kayo sa kaibigan ninyo isang hatinggabi at sinabi sa kanya, ‘Kaibigan, pahiram naman diyan ng tatlong tinapay,
6 dahil dumating ang isang kaibigan ko na galing sa paglalakbay at wala akong maihain sa kanya.’
7 Sasagot ang kaibigan mo mula sa loob ng bahay, ‘Huwag mo na akong istorbohin. Sarado na ang pinto at nakahiga na kami ng mga anak ko. Hindi na ako makakabangon pa para bigyan ka ng kailangan mo.’
8 Ang totoo, kahit ayaw niyang bumangon at magbigay sa inyo sa kabila ng inyong pagkakaibigan, babangon din siya at magbibigay ng kailangan ninyo dahil sa inyong pagpupumilit.