33 Hahagupitin nila ako at papatayin, ngunit muli akong mabubuhay sa ikatlong araw.”
34 Pero wala silang naintindihan sa mga sinabi ni Jesus, dahil itinago sa kanila ang kahulugan niyon.
35 Nang malapit na sina Jesus sa Jerico, may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos.
36 Nang marinig niya ang maraming taong nagdaraan, nagtanong siya kung ano ang nangyayari.
37 Sinabi sa kanya ng mga tao, “Dumadaan si Jesus na taga-Nazaret.”
38 Sumigaw ang bulag, “Jesus, Anak ni David, maawa po kayo sa akin!”
39 Sinaway siya ng mga taong nasa unahan, pero lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, maawa po kayo sa akin!”