2 (Ito ang kauna-unahang sensus na naganap nang si Quirinius ang gobernador sa lalawigan ng Syria.)
3 Kaya umuwi ang lahat ng tao sa sarili nilang bayan upang magpalista.
4 Mula sa Nazaret na sakop ng Galilea, pumunta si Jose sa Betlehem na sakop ng Judea, sa bayang sinilangan ni Haring David, dahil nagmula siya sa angkan ni David.
5 Kasama niya sa pagpapalista ang magiging asawa niyang si Maria, na noon ay malapit nang manganak.
6 At habang naroon sila sa Betlehem, dumating ang oras ng panganganak ni Maria.
7 Isinilang niya ang panganay niya, na isang lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa sabsaban, dahil walang lugar para sa kanila sa mga bahay-panuluyan.
8 Malapit sa Betlehem, may mga pastol na nasa parang, at nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga tupa.