9 Kayong mga nakikinig, dapat ninyo itong pag-isipan!”
10 Pagkatapos, lumapit kay Jesus ang mga tagasunod niya at nagtanong, “Bakit po kayo gumagamit ng talinghaga sa pagtuturo sa mga tao?”
11 Sumagot si Jesus, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Dios, pero hindi ito ipinagkaloob sa iba.
12 Sapagkat ang taong sumusunod sa narinig niyang katotohanan ay bibigyan pa ng higit na pang-unawa. Ngunit ang taong hindi sumusunod sa katotohanan, kahit ang kaunti niyang naunawaan ay kukunin pa sa kanya.
13 Kaya nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, dahil tumitingin sila pero hindi nakakakita, at nakikinig pero hindi naman nakakaunawa.
14 Sa kanila natupad ang sinabi noon ni Isaias:‘Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makakaunawa.Tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakakita.
15 Dahil matigas ang puso ng mga taong ito.Tinakpan nila ang kanilang mga tainga,at ipinikit ang kanilang mga mata,dahil baka makakita sila at makarinig,at maunawaan nila kung ano ang tama,at magbalik-loob sila sa akin,at pagalingin ko sila.’