37 Sumagot si Jesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.’
38 Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat.
39 At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’
40 Ang buong Kautusan ni Moises at ang mga isinulat ng mga propeta ay nakasalalay sa dalawang utos na ito.”
41 Habang nagkakatipon pa ang mga Pariseo, tinanong sila ni Jesus,
42 “Ano ba ang pagkakakilala ninyo sa Cristo? Kaninong angkan siya nagmula?” Sumagot sila, “Kay David.”
43 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung angkan lang siya ni David, bakit tinawag siya ni David na ‘Panginoon,’ sa patnubay ng Banal na Espiritu? Ito ang sinabi niya,