10 Pero sinagot siya ni Jesus, “Lumayas ka, Satanas! Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, ‘Sambahin mo ang Panginoon mong Dios at siya lamang ang iyong paglingkuran.’ ”
11 Pagkatapos nito, iniwan na siya ng diyablo. Dumating naman ang mga anghel ng Dios at naglingkod sa kanya.
12 Nang mabalitaan ni Jesus na nakulong si Juan, bumalik siya sa Galilea.
13 Pero hindi na siya nanirahan sa Nazaret kundi sa Capernaum, isang bayan sa tabi ng lawa ng Galilea at sakop ng Zabulon at Naftali.
14 Sa ganitong paraan ay natupad ang sinabi ni Propeta Isaias:
15 “Ang lupain ng Zabulon at Naftali ay daanan patungo sa lawa at nasa kabila ng Ilog ng Jordan.Ang mga lugar na itoʼy sakop ng Galilea at tinitirhan ng mga hindi Judio.
16 Nabubuhay sa kadiliman ang mga tao roon, ngunit makakakita sila ng matinding liwanag.Kahit nasa kadiliman sila at natatakot mamatay, maliliwanagan sila.”