3 “Mapalad ang mga taong inaaming nagkulang sila sa Dios,dahil makakasama sila sa kaharian ng Dios.
4 Mapalad ang mga naghihinagpis,dahil aaliwin sila ng Dios.
5 Mapalad ang mga mapagpakumbaba,dahil mamanahin nila ang mundo.
6 Mapalad ang mga taong ang hangad ay matupad ang kalooban ng Dios,dahil tutulungan sila ng Dios na matupad iyon.
7 Mapalad ang mga maawain,dahil kaaawaan din sila ng Dios,
8 Mapalad ang mga taong may malinis na puso,dahil makikita nila ang Dios.
9 Mapalad ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan,dahil tatawagin silang mga anak ng Dios.