1 Ang lahat ng Israelita mula Dan hanggang sa Beersheba at mula sa Gilead ay nagtipon sa Mizpa, sa presensya ng Panginoon.
2 Naroon din ang pinuno ng bawat lahi ng Israel nang magtipon ang mga mamamayan ng Dios. May 400,000 silang lahat na sundalong armado ng espada.
3 Nabalitaan ng mga taga-Benjamin na ang ibang mga lahi ng Israel ay nagtipon sa Mizpa.At ngayon nagtatanong ang mga Israelita, “Paano nangyari ang kasamaang ito?”
4 Sinabi ng Levita na asawa ng babaeng pinatay, “Dumaan kami ng asawa ko sa Gibea na sakop ng Benjamin para doon magpalipas ng gabi.