6 Kaya dinala ko pauwi ang bangkay niya at pinagputol-putol at ipinadala sa 12 lahi ng Israel, dahil napakasama at kahiya-hiya ang ginawa ng mga taong ito sa Israel.
7 Lahat tayong mga Israelita, ano ngayon ang gagawin natin?”
8 Nagkaisa ang mga tao na nagsabi, “Wala ni isa man sa atin ang uuwi.
9 Ito ang gagawin natin. Magpalabunutan tayo kung sino sa atin ang lulusob sa Gibea.
10 Ang ikasampung bahagi ng lahat ng lalaki sa bawat lahi ang mag-aasikaso sa pagkain ng mga sundalo. Ang natitira ang maghihiganti sa mga taga-Gibea dahil sa napakasamang ginawa nila sa Israel.”
11 Kaya nagkaisa ang mga lalaki ng Israel sa paglusob sa Gibea.
12 Nagsugo ang Israel ng mga mensahero sa mga lahi ni Benjamin at sinabi, “Ano itong kasamaang nangyari sa inyo?