26 Tanggapin mo ang handog naming ito para sa Israel. Ingatan mo at pabanalin ang iyong bansang pinili.
27 Tipunin mo po ang nagkawatak-watak na mga Judio, na inalipin ng mga Hentil. Kahabagan mo po ang mga kinamumuhian at inaapi, upang malaman ng mga Hentil na ikaw ang aming Diyos.
28 Parusahan mo ang labis na nagpapahirap sa amin at nagmamalaki pa sa pag-api sa amin.
29 At gaya ng ipinangako mo sa pamamagitan ni Moises, itatag mo ang iyong bansa sa iyong lupang banal.’
30 “Pagkatapos manalangin, ang mga pari ay nag-awitan.
31 Natupok nga ang handog, ngunit may natira pang putik na buhat sa balon, kaya't iniutos ni Nehemias na ibuhos ito sa malalaking bato.
32 Pagkabuhos, isang malaking ningas ang sumiklab, ngunit mas maliwanag pa rin ang ningning ng liwanag buhat sa altar.