29 At gaya ng ipinangako mo sa pamamagitan ni Moises, itatag mo ang iyong bansa sa iyong lupang banal.’
30 “Pagkatapos manalangin, ang mga pari ay nag-awitan.
31 Natupok nga ang handog, ngunit may natira pang putik na buhat sa balon, kaya't iniutos ni Nehemias na ibuhos ito sa malalaking bato.
32 Pagkabuhos, isang malaking ningas ang sumiklab, ngunit mas maliwanag pa rin ang ningning ng liwanag buhat sa altar.
33 “Nabalitaan ito ng mga tao at umabot din sa kaalaman ng hari ng Persia.
34 Ang dakong pinagkunan ng putik na ginamit ni Nehemias at ng mga kasamahan niya para sunugin ang handog ay pinabakuran ng hari ng Persia, at ipinahayag niyang banal ang pook na iyon.
35 Malaking salapi ang kinikita ng dakong iyon, at sinumang naisin ng hari ay hinahatian niya sa kinikita.