17 Hindi nila nilubayan ang pagsalakay hanggang sa napasakamay nila ang mga tanggulan ng kaaway. Lahat ng makitang kaaway ay pinatay; umabot sa bilang na dalawampung libo ang mga kaaway na napatay.
18 May 9,000 nagkubli sa dalawang napakatibay na tore na may sapat na pagkain at kagamitan sakali mang sila ay kubkubin.
19 Upang hindi makatakas ang mga ito, itinalaga ni Judas Macabeo sina Simon at Jose at pinatulungan pa sa pangkat ni Zaqueo para kubkubin ang mga tanggulan. Si Judas ay umalis at nagpunta sa lugar na lalo siyang kailangan.
20 Sa pangkat ni Simon ay may ilang mga tao na mukhang pera. Nilapitan sila ng mga kaaway mula sa tanggulan at inalok ng 140 librang pilak para pabayaan silang makatakas.
21 Ang ganitong pagtataksil ay nakarating kay Judas. Tinawag niya ang mga pinuno, at ang mga nagtaksil ay isinakdal niya sa kasalanang pagbibili ng mga kababayan sapagkat pinatakas nila ang mga kaaway para maipagpatuloy ang paglaban sa kanila.
22 Ipinapatay niya ang mga taksil, at sinalakay agad ang dalawang tanggulan.
23 Nagtagumpay na naman siya, at sa dalawang tanggulang iyon ay mahigit na dalawampung libong kaaway ang kanilang napatay.