20 Sa pangkat ni Simon ay may ilang mga tao na mukhang pera. Nilapitan sila ng mga kaaway mula sa tanggulan at inalok ng 140 librang pilak para pabayaan silang makatakas.
21 Ang ganitong pagtataksil ay nakarating kay Judas. Tinawag niya ang mga pinuno, at ang mga nagtaksil ay isinakdal niya sa kasalanang pagbibili ng mga kababayan sapagkat pinatakas nila ang mga kaaway para maipagpatuloy ang paglaban sa kanila.
22 Ipinapatay niya ang mga taksil, at sinalakay agad ang dalawang tanggulan.
23 Nagtagumpay na naman siya, at sa dalawang tanggulang iyon ay mahigit na dalawampung libong kaaway ang kanilang napatay.
24 Si Timoteo ay minsan nang natalo ng mga Judio. Kaya't upang makaganti, nagtipon siya ng isang malaking hukbo ng upahang kawal. Kabilang din ang isang malaking hukbong nakakabayo mula sa Asia. Nang handa na ang lahat, umalis sila para salakayin ang Judea.
25 Habang papalapit ang mga kaaway, si Judas at ang kanyang pangkat naman ay nanalangin sa Diyos. Nagdamit sila ng panluksa, naglagay ng abo sa ulo,
26 at nagpatirapa sa harap ng altar. Hiniling nila na kahabagan sila ng Panginoon at tulungan sa paglaban sa kanilang kaaway, gaya ng ipinangako niya sa Kautusan.