17 Ang inyong mga sugo na sina Juan at Absalom ay nagharap ng inyong nilagdaang liham at hiniling nilang sang-ayunan ko ang inyong mga kahilingan.
18 Lahat ng kahilingan para sa hari ay dinala ko sa kanya at ipinagkaloob niya ang mga bagay na nararapat.
19 Maging tapat lamang kayo sa pamahalaan, gagawin ko ang lahat alang-alang sa inyong kapakanan sa hinaharap.
20 Para lalong maging maliwanag, iniutos ko sa aking mga kinatawan na makipag-usap sa inyo at sa inyong mga sugo.
21 Hangad ko ang ikabubuti ninyo. Isinulat ngayon, ikadalawampu't apat na araw ng buwan ng Dioscorintio, taóng 148.”
22 Ganito naman ang sulat ng hari: “Pagbati sa kapatid kong Lisias, mula kay Haring Antioco.
23 Ngayong patay na ang aking ama, at kasama na ng mga diyos, nais kong bigyang laya ang aking mga nasasakupan na mamahala sa kanilang sarili.