14 Ang kapalaran nila'y ipinagkatiwala na nila sa Lumikha ng daigdig. Hinikayat ni Judas ang mga tauhan niya na lumaban hanggang sa kamatayan alang-alang sa kanilang mga kautusan, sa Templo, sa lunsod, sa bayan, at sa kanilang uri ng pamumuhay. Pagkatapos, lumakad sila at humimpil malapit sa Modein.
15 “Sa Diyos ang tagumpay!” ang sigaw na pandigmang ibinigay ni Judas sa kanyang mga tauhan. Nang gabing iyon, sinalakay ng isang pangkat ng mga pili niyang tauhan ang kampo ng hari, at 2,000 kaaway ang kanilang napatay agad. Pati ang pangunahing elepante at ang sakay nito ay napatay rin nila.
16 Sa ginawa nilang ito, naghari ang takot at pagkalito sa kampo ng mga kaaway, kaya't matagumpay silang nagbalik
17 bago pa lamang nababa ang araw sa silanganan. Nangyari ang lahat ng ito sa tulong at pagkalinga ng Panginoon.
18 Sa nasaksihang tapang ng mga Judio ay napag-isip-isip ng hari na dapat siyang gumawa ng mas mabuting paraan para magapi sila.
19 Sinalakay niya ang Beth-sur, isang matibay na tanggulan ng mga Judio. Ngunit hindi siya nakapasok; nagapi siya at naitaboy.
20 Nagpadala si Judas ng mga pangangailangan ng mga nagtatanggol ng tanggulan,