17 bago pa lamang nababa ang araw sa silanganan. Nangyari ang lahat ng ito sa tulong at pagkalinga ng Panginoon.
18 Sa nasaksihang tapang ng mga Judio ay napag-isip-isip ng hari na dapat siyang gumawa ng mas mabuting paraan para magapi sila.
19 Sinalakay niya ang Beth-sur, isang matibay na tanggulan ng mga Judio. Ngunit hindi siya nakapasok; nagapi siya at naitaboy.
20 Nagpadala si Judas ng mga pangangailangan ng mga nagtatanggol ng tanggulan,
21 ngunit may isang Judio sa hukbo roon na naging kasangkapan ng kaaway. Ito'y si Rodoco na nagbunyag sa kaaway ng mga lihim militar. Ngunit nalaman ito, kaya't siya'y hinuli at ibinilanggo.
22 Sinubukan ni Haring Antioco na makipag-ugnay sa mga taga Beth-sur. Nagkaroon nga sila ng kasunduan at siya'y umurong. Sinalakay niya uli si Judas at ang mga tauhan nito ngunit natalo na naman siya.
23 Samantala, si Felipe, na iniwan niyang mamahala sa Antioquia, ay naghimagsik, at ito'y nakarating kay Antioco. Hindi malaman ni Antioco ang gagawin, kaya't nakipagkasundo siya sa mga Judio at sumang-ayon sa kanilang kagustuhan. Nangako rin siyang igagalang ang karapatan ng mga ito. Bilang katibayan, naghandog siya sa dambana at nagkaloob pa ng malaking halaga bilang tanda ng kanyang paggalang.