22 Sinubukan ni Haring Antioco na makipag-ugnay sa mga taga Beth-sur. Nagkaroon nga sila ng kasunduan at siya'y umurong. Sinalakay niya uli si Judas at ang mga tauhan nito ngunit natalo na naman siya.
23 Samantala, si Felipe, na iniwan niyang mamahala sa Antioquia, ay naghimagsik, at ito'y nakarating kay Antioco. Hindi malaman ni Antioco ang gagawin, kaya't nakipagkasundo siya sa mga Judio at sumang-ayon sa kanilang kagustuhan. Nangako rin siyang igagalang ang karapatan ng mga ito. Bilang katibayan, naghandog siya sa dambana at nagkaloob pa ng malaking halaga bilang tanda ng kanyang paggalang.
24 Malugod niyang tinanggap si Judas at hinirang si Hegemonides bilang gobernador ng lupain mula sa Tolemaida hanggang Gerar.
25 Tumuloy siya sa Tolemaida. Ang mga tagaroo'y tutol sa kanyang ginawang kasunduan at nais nilang ito'y pawalang-bisa.
26 Sa gitna ng ganoong pagtutol, tumayo si Lisias sa plataporma at ipinagtanggol ang kasunduan sa abot ng kanyang makakaya. Sa kanyang magandang paliwanag, mapayapa pa niyang napasang-ayon ang mga mamamayan. Nakuha niya ang kanilang pagtitiwala, kaya't umuwi na siya sa Antioquia.Sa ganitong paraan, ang paglusob ng hari ay nauwi sa pag-atras.