42 Pinili niya ang mamatay na marangal kaysa mapasakamay ng mga tampalasan at ilagay sa kahihiyan.
43 Sa pagmamadali niya'y hindi naging mortal ang kanyang sugat. Pagpasok ng mga kaaway, ang ginawa niya'y umakyat sa taluktok ng tore at mula roo'y buo ang loob na tumalon sa gitna ng maraming tao.
44 Mabilis namang umilag ang mga tao at siya'y bumagsak sa lupa.
45 Hindi pa rin siya namatay, kaya't bumangon siyang buo pa rin ang loob, bagaman umaagos ang dugo sa mga sugat na natamo. Tumakas siya sa gitna ng mga tao at umakyat sa isang matarik na bundok.
46 Ubos na halos ang dugo niya sa katawan nang tumayo siya, dinakot ng dalawang kamay ang kanyang bituka, ubos-lakas na hinatak ito at inihagis sa mga tao, habang nananalangin sa Diyos na nagbibigay ng buhay at ng espiritu, na ibalik sa kanya ang nawalang sangkap ng kanyang katawan. Sa ganyang paraan namatay si Razis.